wasted12

Monday, April 13, 2009

Tapos na. Wala na.

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan to. Basta ang alam ko, tapos na anag lahat.

Mahal kita. At oo, mahal mo din ako. tama ba o mali? Pero ikaw na nagsabi dati pa, love's not enough. Tama nga naman, hindi lang love ang nagpapatakbo ng isang relationship. Hindi na tayo nagkakasundo. pag nag away tayo, kala mo end of the world na. walang gustong makinig, walang gustong magpatalo. banat dito, banat dun. nagsusumbatan na lang din tayo. kaya siguro tama na yung decision nating dalawa na tapusin na ang lahat. Alam ko hindi ka naman na masaya. Ako din siguro. dahil sa mga away natin. Alam kong mas magiging ok ka na ngayon. Wala ng mangiinis sayo. Ok na rin siguro to. db?

Anyway, gusto ko lang malaman mo na sa mga panahong "tayo", eh naging masaya ako. oo tama. naenjoy ko masyado ung company mo as a girlfriend. Kasi pag magkasama tayo, madami tayong napag-uusapan. Mapa non-sense, hanggang sa may sense. Pero alam mo kung anong gusto ko pag magkasama tayo? kapag sinasabi mong "yakap mo ko". Gustong gusto ko yun. Gustong gusto ko kung pano mo sinasabi yun. At mas gustong gusto ko yung wala na lang tayong biglang sasabihin at magkayakap tayo. Parang "let our hearts talk".

Mamimiss ko lahat sa'yo. Lahat ng ginagawa natin pag magkasama tayo. Movie Marathon, kulitan, wrestling kung minsan, mamimiss ko din yung pagiging clumsy mo na lagi mong tinatamaan yung nguso ko ng siko at kung anu anong matitigas na parte ng katawan mo, mamimiss ko yung panunukso ko sa'yo (alam mo na kung ano ung mga un). Mamimiss kita.

Cut the drama. There's no sense at all. Tapos na. Wala na. Paalam na, sa huling pagkakataon.

P.S.
Sory kung ginawa kong outlet tong blogging. Pero eto lang yung alam kong way para mailabas.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home