wasted12

Tuesday, April 14, 2009

tanga

Ano na naman ba 'tong nararamdaman mo? Akala ko ba ok na sa'yo yung nangyari? Bakit ka nagkakaganyan? Tanga ka ba ha? Tapos na, tapos na ang lahat. Wala ka ng babalikan. Huli na para bumalik ka pa. Wag kang tanga. Wag kang magdrama tangna mo. Anong sabi mo sa 'kin kagabi, kninang madaling araw? nakalimutan mo na ba? Memory gap ka na naman ba? Wala na nga diba, wala na. Wag mo ng ipilit pa.

Ano ka ngayon? nasaan yung tapang mo kagabi? pinabasa lang sa'yo ng isang kaibigan yung blog niya naging malambot ka na naman! Tanga ka nga. Alam mo sa sarili mo na wala ka ng magagawa. Alam mo yan tanga. Pinapahirapan mo lang yung sarili mo eh. Cheer up! Tumayo ka. Wag kang magpapako dyan sa nararamdaman mo. tanga ka kasi. Magseseryoso ka na lang ulit, sumablay ka pa. Tanga talaga.

Oo nga mahal mo siya. Alam ko din na mamimiss mo lahat ng ginawa nyo ng magkasama. Pero move on! wala na eh. ano pang pinag-iiisip mo jan? Alam mo naman yung dapat mong gawin diba? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo eh. Paulit-ulit ka na lang ganyan. Kahit anong sabi ko sa'yo, d ka na nadala. Hindi ka na natuto sa mga naranasan mo. Ngayon ano? Tignan mo yang sarili mo. Malungkot. Mukha kang ewan. Mukha kang tanga. May paiyak iyak ka pang nalalaman tangna ka!

Ano? kakausapin mo na naman siya at susubukang ayusin yung mga bagay bagay? Yan ang nasa isip mo diba? bahala ka, makulit yang puso at utak mo. Eto na yung huli kong pagsesermon sa'yo. Ewan! Bahala ka! Di ka na nadala, hindi ka na natuto. Tanga!

--SARILI MO.

1 Comments:

Blogger Yummy Dingding said...

every body experiences that...
you'll be fine..

April 14, 2009 at 2:11 AM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home